Thursday, June 24, 2010

Starting Over ( Broken Glass)

Kapag nabasag ang isang baso, hindi mo na ito maaring ibalik sa kung ano ito. Pwede itong pagkakabit-kabitin. pero makikita pa rin ang lamat na sanhi ng pagkabasag nito.

Maari itong itapon na lang. O di kaya ay subuking buuin ulit. Pero hindi mo pa rin pwedeng itago na ito ay hindi isang basag na baso.

Ganun ang buhay - sa kahit na anong relasyon. Kapag puso ang nasaktan, mahirap ng ibalik ito. Maghihilom ang sugat sa takdang panahon pero hindi kailanman mawawala ang pilat na iniwan nito.

Mahirap ng ibalik sa dati kung anuman ang mayroon kayo noon. Ang maaring lang gawin e subukang magsimula ulit.

Sa papanong paraan at kung kailan, iyon ay nakadepende sa dalawang taong sangkot.

Maaring ang pagsisimula mo ulit e hindi na kasama ang isa. Pero maaari rin na bigyan ang pagkakataon na mabuo ulit ito.

Mahirap sa umpisa pero lahat ng pagsisimula ay hindi madali.




No comments:

Who.Am.I

My photo
It's just me - Jessie or Banz or Bansiong to family and friends. Into IT but definitely a music lover.